MMDA, muling ipinaalala sa mga commuters ang pagpapatupad ng physical distancing

Muling ipinaalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko, lalo na sa mga commuters na nagbalik-trabaho na sumunod sa umiiral na health protocols.

Kasunod na rin ito ng insidente kahapon kung saan hindi na naipatupad ang physical distancing dahil sa bugso ng mga commuters sa unang araw ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Puna ni MMDA General Manager Jojo Garcia, tila napunta ang focus ang mga tao sa kung paano sila makakasakay papasok sa trabaho at nakalimutan na nila na may COVID-19 pandemic.


Binigyan diin ni Garcia na mas mahalaga ang kaligtasan ng publiko laban sa COVID-19.

Matatandaang maraming pumuna sa social media ng mga kuhang larawan ng mga libreng sakay ng pamahalaan kung saan nag-agawan ang mga commuter nakasakay lang papunta sa kanilang pinapasukan.

Facebook Comments