MMDA, muling magsasagawa ng clearing operations

Manila, Philippines – Muling susuyurin ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority ang kahabaan ng Pasay-Taft Avenue partikular ang mga bangketa sa gilid ng Baclaran church.

Pangungunahan ni MMDA Chairman Danny Lim ang nasabing clearing operations.

Makailang beses nang nilinis ng mga tauhan ng MMDA ang nasabing lugar pero tila hindi nadadala at patuloy parin ang pamamayagpag ng mga illegal vendors.


Samantala, target din ng MMDA na idemolish ang portion o bahagi ng isang brgy hall sa Pasay City.

Ayon sa MMDA, nasasakop na ng brgy. hall ang bangketa at sidewalk kaya panahon na para ito ay i-demolish.

Facebook Comments