Manila, Philippines – Muling sinuyod ng MMDA ang paligid ng Baclaran Church sa Parañaque City ngayong umaga.
Layunin nitong itaboy ang mga vendors na nakaharang sa daanan ng tao sa bahagi ng service road ng Roxas Blvd.
Kabilang sa mga nasita ng MMDA ay ang mga naglalakihang payong ng mga vendors na lagpas na sa daanan ng mga pedestrian.
Ayon kay MMDA Traffic Supervising Officer for Operations Edison Nebrija, napagkasunduan kasi ng MMDA at ng mga vendors na isang lane lamang sa roxas blvd service road ang gagamitin sa pwestuhan ng tindahan pero may mga lumalagpas pa rin sa inilagay nilang concrete barrier.
Dahil dito ay kinumpiska ng MMDA ang ilang mga lamesa at gamit na nakita nilang nakaharang at nakakaistorbo
Ayon kay Nebrija, layon din ng kanilang operasyon na maiwasang bumalik ang mga illegal na terminal sa Baclaran at hindi sila mabansagang ningas kugon lamang.