MMDA, muling nagpaalala sa mga motorista hinggil sa isasagawang dry run convoy bukas

Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na iwasan ang mga kalsada na kasali sa convoy dry-run bukas hinggil sa papalapit na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na idaraos sa bansa sa susunod na buwan.

Ayon sa MMDA isasagawa ang dry run alas sais hanggang alas dyes ng umaga bukas, Linggo, October 15.

Kabilang dito ang mga daan mula Clark International Airport, Pampanga hanggang sa Metro Manila.


Partikular ang Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) North Luzon Expressway (NLEX)Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) going to Manila Hotel, Manila:

SLEX Skyway Buendia Extension Diokno Boulevard at Roxas Boulevard going to Bonifacio Global City, Taguig City: McKinley Street5th to 30th Streets going to The Peninsula Manila, Makati City: Ayala AvenueMakati Avenue going to the Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City: Jalandoni StreetArnaiz StreetV. Sotto Street, ito na ang ikatlong dry run convoy na ipapatupad ng MMDA.

Facebook Comments