MMDA, muling nagpaalala sa mga motorista sa gagawing ASEAN convoy dry run ngayong araw

Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang ahensya ng pamahalaan sa matinding trapikong maaaring idulot ng isasagawang convoy dry run ngayong araw.

Bahagi pa rin ito ng mga paghahanda para sa 31st ASEAN Summit sa Nobyembre.

Kabilang sa mga maaapektuhang ruta ang:
– Southbound Lane ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX)
– North Luzon Expressway (NLEX)
– South Luzon Expressway (SLEX) Skyway
– EDSA
– Buendia extension
– J.W. Diokno Boulevard
– Roxas Boulevard
– Mckinley Street
– 5th hanggang 30th Streets
– Ayala Avenue
– Makati Avenue
– Jalandoni Street
– Arnaiz Street
– Sotto Street


Facebook Comments