Manila, Philippines – Muling magsasagawa ng clearing operations ang Metropolitan Mla Development Authority hindi sa Baclaran kung hindi sa Maynila.
Pangungunahan ni MMDA Chairman Danny Lim ang nasabing operasyon.
Target ng clearing operation ang mga illegal vendors at illegal terminals.
Wawasakin o sisirain din yung istraktura na nakahambalang na sa sidewalks.
Kamakailan nagsagawa ng clearing operations ang MMDA sa Lawton partikular sa harapan ng tanggapan ng post office.
Reklamo kasi ng ahensya, ginagawang terminal ang harapan ng kanilang opisina.
Nangako pa ang mga brgy officials sa MMDA na papanatilihin nila ang kaayusan at kalinisan sa kanilang nasasakupan.
Facebook Comments