MMDA, nababahala na rin sa mga menor de edad na nagmamaneho ng electronic vehicles

 

Nababahala na rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga menor de edad na nagmamaneho ng electronic vehicles.

Ayon sa MMDA, karamihan sa mga ito ay walang suot na helmets o ano mang protective gears.

Una nang nag-convene ang ilang ahensya ng pamahalaan at National Capital Region Local Government Unit (NCR-LGU) para plantsahin ang mga panuntunan sa e-vehicle.


Sa harap ito ng pagdami ng electric motor vehicles sa Metro Manila partikular sa major thoroughfares.

Ayon sa MMDA, ang e-vehicle units ay hindi lamang nakakapagpabagal sa daloy ng trapiko.

Nalalagay din anila sa panganib ang buhay ng drivers, mga pasahero at pedestrian.

Facebook Comments