Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na ilang kalsada sa Metro Manila ang maaapektuhan ng pagbagal ng usad ng trapiko dahil sa pag-transport sa isang tunnel boring machine (TBM) na gagamitin sa Metro Manila Subway Project.
Sa abiso ng MMDA, asahan na ang pagbagal ng trapiko sa mga kalsada simula simula alas-9:00 ng gabi ngayong Hulyo 20 hanggang alas-4:00 ng madaling araw ng Hulyo 21 at alas-9:00 ng gabi ng Hulyo 21 hanggang alas-4:00 ng Hulyo 22.
Ayon sa MMDA, manggagaling sa Manila Harbor Center ang TBM at dadalhin sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City.
Ito ang gagamitin sa konstruksyon ng subway na magdudugtong sa Camp Aguinaldo Station at Ortigas Station.
Kabilang sa mga kalsada na maaapektuhan ay ang Port Area /R-10 sa Maynila, C3 Road, 5th Avenue sa Caloocan City, G. Araneta Avenue sa Quezon Avenue, E. Rodriguez Sr. Avenue, Gilmore Avenue at Col. Boni Serrano Avenue.
Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na gumamit muna ng alternate routes sa kanilang pagbiyahe.