Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairman Danilo Lim na nagpadala ito ngayong araw ng mga tao upang tulungan ang mga residente sa Barangay Abo, Tigaon, Camarines Sur, na lubhang napinsala ng Super Typhoon Rolly.
Aniya, sila ay magbibigay ng rehabilitation assistance para sa mga pamilyang biktima ng nasabing bagyo.
Ito aniya ay tatawaging 17-man team na binubuo ng mga tauhan ng MMDA mula sa Public Safety Division and Flood Control Sewerage Management Office na pinamumunuan ni Task Force Commander Allan Longcop.
Ayon kay Lim, ang 17-man team ay may dalang water purifiers, solar panels, generator sets, chainsaws, at iba pa.
Sinabi niya na ito ay bilang tugon ng MMDA sa request ni Camarines Sur 4th District Representative Arnie Fuentebella.
Matatandaan na ang probinsya ng Camarines Sur ay isinailalim sa state of calamity matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Rolly.