Pagmamaneho ng lasing ang kadalasang sanhi ng mga aksidente sa kalsada.
Sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nakakapagtala sila ng 7 kaso ng drunk driving kada buwan.
Ayon kay MMDA Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago posibleng tumaas pa ito ngayong araw ng Pasko lalo na at kaliwa’t kanan ang selebrasyon kung saan kabi-kabila din ang inuman.
Sinabi ni Pialago na nakasaad sa 10586 o Anti-Drunk & Drugged Driving Act of 2013 mahigpit na ipinagbabawal ang pagmamaneho ng sasakyan kung nakainom.
Payo nito kung iinom ay huwag na lamang magdala ng sasakyan o magpasundo na lang dahil bukod sa mas makakatipid ay iwas aksidente pa.
Babala nito ang mahuhuling lumalabag sa nasabing batas ay pagmumultahin ng P20,000 hanggang P500,000; 3 buwang pagkakakulong at 1 taong suspension ng drivers license.