MMDA, nagbabala sa mas matinding problema sa trapiko pagsapit ng holiday season

Nagbabala ang MMDA sa publiko sa mas malalang daloy ng mga sasakyan sa EDSA at sa ibang pangunahing kalsada sa Metro Manila sa pagsapit ng holiday season.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, base sa kanilang datos, ngayon pa lang na regular days ay umaabot na sa 19.30/kph ang bilis ng travel time sa EDSA.

Ilan aniya sa mga sanhi nito ay ang vehicular accidents na may 42 average kada araw, 77 na chokepoints sa kahabaan ng EDSA kabilang ang mga bus stops, intersections at mga mall gayundin ang volume o dami ng mga sasakyan sa araw-araw.


Parte rin aniya ng problema ay ang mga under repair at ongoing construction sa iba’t ibang mga tulay at lugar sa buong Metro Manila.

Pero sa oras aniya na matapos ang mga major road projects ng pamahalaan ay tiyak na gagaan ang daloy ng trapiko sa EDSA at mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Facebook Comments