MMDA, nagbabala sa mga magpipirata sa mga pelikula na kasali sa MMFF

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga magpipirata sa mga pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon kay MMDA Assistant Secretary at Spokesperson Celine Pialago, mayroon ng listahan ang MMDA kung sino ang mga nagpipirata ng mga pelikula.

Kaya naman aniya nakikipag-ugnayan na sila sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) upang mas maging madali ang paghuli sa kanila.


Sinabi rin nito na mayroong paraan ang MMDA upang ma-trace ang mga magshe-share ng mga pelikula mula sa MMFF ng walang pahintulot.

Nanawagan naman ni Pialago sa publiko na i-report sa mga otoridad ang sinumang iligal na nagbebenta ng mag pelikula nakasama sa MMFF ngayong taon.

Mayroon pang isang linggo ang publiko para mapanood ang lahat ng mga pelikula na kasali sa MMFF ngayong 2020.

Facebook Comments