MMDA, nagbabala sa mga motorista na lalabag sa batas trapiko sa EDSA Bus Carousel

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA laban sa mga motorista na lalabag sa batas trapiko partikular na sa EDSA Bus Carousel Lane.

Ito ay matapos na dumaan ang isang taxi sa EDSA Bus Carousel noong kasasagan ng baha sa bahagi ng EDSA Northbound Lane sa Gate 3 ng Camp Aguinaldo sa Quezon City noong September 23 dahilan para maharangan ang mga bus.

Nais din ng MMDA na maparusahan ang isang motorista na muntikan ng makabangga ng MMDA Traffic Enforcer at nagtangka pang takasan at dumaan sa EDSA Bus Carousel.


Sumulat na ang MMDA sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang patawan ng parusa ang dalawang motorista.

Patuloy naman ang paalala ng MMDA sa mga motorista na hindi pwedeng dumaan ang mga pribadong sasakyan sa EDSA bus lane, at ito ay itinalaga lamang para sa mga city bus at emergency vehicle.

Facebook Comments