MMDA, nagbabala sa mga motoristang dadaan sa ASEAN lane

Manila, Philippines – Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na aarestuhin ng pulisya ang mga motoristang gagamit sa ASEAN lanes.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, inalerto na nila ang pulisya para hulihin at i-impound ang mga sasakyan na ilegal na bibiyahe sa ASEAN lane.

Matatandaang inirekomenda ng MMDA ang kanselasyon o suspensyon ng driver’s license ng beauty queen na si Maria Isabel Lopez matapos siyang pumasok sa ASEAN lane.


Ipapatawag naman si Lopez ng lto dahil sa reckless driving, at paglabag sa traffic signs at Anti-Distracted Driving Act.

Facebook Comments