Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa mga nagbebenta ng pekeng ticket para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF).
Matatandaang naaresto sa Entrapment Operation ang dalawang suspek na nagbebenta ng pekeng ticket ng MMFF Online.
Ayon kay MMMDA Chief of Staff and Focal Disaster Risk Reduction and Management Michael Salalima, ang MMFF passess ay libreng ibinibigay sa mga empleyado at hindi ipinagbibili.
Hinikayat ng MMDA ang publiko na agad ipaalam sa mga awtoridad ang mga ganitong klaseng ilegal na gawain.
Facebook Comments