Manila, Philippines – Nagbabala ang MMDA na posibleng maulit ang nangyaring flash flood sa Metro Manila tulad noong bagyong Ondoy dahil sa mga baradong estero.
Bunga nito, umapela si MMDA chairman Danilo Lim sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura lalo na sa mga naninirahan malapit sa mga creek.
Sa ngayon, puspusan din ang declogging ng ahensya sa mga baradong drainage system upang maiwasan ang pagtaas ng tubig sa mga kalsada.
Bukas din ang MMDA sa mga residenteng nagre-request ng declogging sa kani-kanilang mga lugar sa Kalakhang Maynila.
Samantala, nagdulot ng bahagyang abala sa mga motorista ang natumbang puno ng ipil-ipil sa south bound ng Roxas Blvd. sa Pasay City dahil sa malakas na hangin.
Agad naman itong inalis ng mga tauhan ng DPWH.