Manila, Philippines – Dahil sa inaasahang pagtindi ng trapik ngayong papalapit na holiday seasons naglatag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng ilang traffic measures.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celino Pialago, ilalatag nila sa Metro Manila Mayors ngayong araw ang panukalang four digit number coding scheme.
Sakaling maaprubahan, tinatayang 10 hanggang 15 porsyento ang mababawas sa daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng metro manila.
Aminado naman si Pialago, nahihirapan ang mmda sa araw-araw na clearing operations partikular sa mabuhay lanes.
Samantala, simula October 15, babaguhin ng mga malls ang kanilang operating hours na magbubukas ng alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi para hindi sumabay sa rush hours at working hours.
Magpapatupad din ng “night time delivery” sa mga mall kung saan papayagan lamang ang delivery tuwing alas-11:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Tatagal ang nasabing “mall hour adjustment” hanggang enero 15, 2018.
Bukod dito, ipagbabawal rin simula sa Nobyembre ang pagkakaroon weekday sales ng mga malls.