MMDA, nagpaalala ng tamang pagtatapon ng basura habang papalapit ang typhoon season

Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa wastong pagtatapon ng basura ngayong nararanasan ang pabugso-bugsong ulan sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, naiipon kasi ang mas maraming basura ngayong naka-lockdown ang maraming lugar dala ng COVID-19 pandemic.

Sabi ni Garcia na sa ngayon, walang problema sa mga pagbaha dahil naayos na nila ang flood control program.


Kaugnay nito, paliwanag naman ni DOST-PAGASA Weather Forecaster Ariel Rojas, galing ang ulan sa naipong “moisture” sa mga ulap na dala ng sobrang init ng panahon.

Ibig sabihin, wala pa itong kinalaman sa paparating na Bagyong Ambo.

Facebook Comments