MMDA, nagpaalala sa mga kandidato hinggil sa pagsasagawa ng motorcade

Nagpapaalala ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA hinggil sa kanilang kautusan sa pagsasagawa ng mga motorcade ng mga kandidato, kaugnay ng 2025 midterm elections.

Ito ay sa gitna na rin ng pag-arangkada ng kampanya para sa mga lokal na posisyon.

Sa ginawang Synchronized Nationwide Grand Baklas Operations, sinabi MMDA Chairman Don Artes na hindi sila magbibigay ng tinatawag na “road user permit” para sa mga motorcade sa mga kalsadang nasa hurisdiksyon ng MMDA, tuwing weekdays.


Papayagan lamang nila ang motorcades sa mga lansangang nasa ialim nila tuwing weekends at holidays kung saan pwede naman tumawid subalit bawal ang pagbiyahe.

Nagbabala naman si Artes na titiketan ng MMDA ang mga sasakyan na lalahok sa mga motorcade, campaign rallies at katulad na hindi naman allowed o pinayagan sa mga kalsadang nasa ilalim ng MMDA tuwing weekdays.

Facebook Comments