MMDA, nagpaalala sa mga magkikilos protesta ngayong Labor Day na huwag harangin ang daloy ng trapiko

Humiling ng konting konsiderasyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga magsasagawa ng kilos protesta ngayong Araw ng Paggawa.

Ayon kay Bong Nebrija, Traffic Chief ng MMDA, baka pwedeng isang linya lang ng kalsada ang okopahin ng mga magkikilos protesta para hindi makaabala sa ibang motorista.

Aniya, ayaw na nilang maulit ang nangyari sa nakalipas na Labor Day Rally kung saan nagmistulang parking lot ng mga raliyista ang Espanya sa lungsod ng Maynila.


Kasabay nito, nagbabala si Nebrija na hindi nila palalampasin ang mga Militanteng Grupo na gagamit ng mga kolorum na mga sasakyan.

Nakipagtulungan na aniya sila sa LTFRB para matukoy ang mga kolorum na sasakyan.

Bagaman hindi huhulihin, irerecord naman aniya ang paglabag ng mga ito at pagmumultahin.

Facebook Comments