MMDA, nagsagawa ng clearing operations sa Balintawak market

155

Manila, Philippines – Nagsagawa ng clearing operationsang Metro Manila Development Authority sa paligid ng Balintawak market sa QuezonCity.
  Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, kanilangkinumpiska ang mga patungan ng mga illegal vendors na siyang kumakain ng pwestosa dalang lane ng kalsada sa EDSA kaya’t nagdudulot ito ng pagsikip ng daloy ngtrapiko.
  Dagdag pa ni Pialago, mas ninais ng mga vendor na salabas ng palengke magtinda dahil ang karamihan sa mga ito ay walang permit atwalang pwesto sa loob habang ang iba naman ay lumalabas dahil malaki ang kita.
  Dahil dito, muli silang nagpa-alala na sa susunod naclearing operations ng MMDA ay kanila nang kukumpiskahin ang mga paninda at angmga opisyal naman ng barangay na kinukunsinte ang mga illegal vendors ay kaniladin pananagutin.
 

Facebook Comments