Manila, Philippines – Nagsagawa ng clearing operations ngayon ang MMDA sa loob ng Baseco Compound sa Maynila.
Kinukumpiska ng mga tauhan ng MMDA ang mga obstruction na makita tulad ng mga kariton, mga bakal at fence, plywood at iba pang kahoy at kahit tarapal.
Maging ang ilang bisikleta, pedicabs at mga sirang tricycle na nakaparada sa kalsada ay isinasakay sa towing truck.
Wala pa namang umaalma, kaya kahit papaano ay naging maayos at mapayapa ang operasyon.
Kasama naman ng MMDA ang Baseco Police para matiyak ang seguridad habang ginagawa ang clearing operations.
Ayon sa MMDA Task Force Special Operations Commander Memel Roxas, layon ng clearing operations na mapanatiling maluwag ang lansangan mula sa anumang uri ng obstruction.
Nabatid pa na marami na rin daw nakukuhang reklamo ang MMDA mula sa mga residente ng Baseco hinggil sa mga obstruction.