
Nakahanda na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa gaganaping kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand ngayong araw kung saan ipapakalat ang nasa 1,815 na MMDA personnel sa paligid ng lugar.
Bukod sa mga tauhan ng ahensya, nakastandby na rin sa Quirino Grandstand ang mga ambulansya, rapid response vehicle, at mga tow trucks kung kinakailangan.
Magtatagal ang naturang rally hanggang Martes, November 18.
Bukod dito, may ikakasa ring kilos-protesta ang Unuted People’s Initiative sa bahagi naman ng White Plains sa Quezon City.
Facebook Comments









