MMDA, nakahanda sa ikakasang panibagong transport strike bukas

Manila, Philippines – Sa pagpapatuloy ng transport strike ng grupong PISTON bukas kontra Jeepney Modernization Program, nakahandang muli ang Metropolitan Manila Development Authority na asistehan ang mga mai-stranded na mga pasahero.

Ayon kay MMDA Operations Chief Vic Felizardo, saka-sakaling hindi magbago ang isip ng PISTON at ituloy pa rin ang tigil pasada bukas, hindi nila ito uurungan.

Magpapakalat pa rin aniya sila ng mga military trucks at government vehicles na libreng masasakyan ng mga maaapektuhang commuters.


Habang ang mga bus na kinomisyon ng LTFRB ay may bayad mula sampu hanggang dose pesos.

Sapat na tauhan din ng MMDA ang ipakakalat sa mga pagdarausan ng transport strike.

Sa assessment ng MMDA, wala masyadong epekto ang tigil-pasada ng PISTON ngayong araw dahil sa ayudang ipinagkaloob ng gobyerno sa mga pasahero.

Facebook Comments