MMDA – nakahandang umalalay sa mga maaapektuhan ng tigil-pasada ng grupo

Manila, Philippines – Nakahanda ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority na umalalay sa mga maaapektuhang motorista dahil sa ikinasang tigil pasada ng grupong Piston.

Sa isang interview kay MMDA Chairman Danny Lim – sinabi nito na nakatutok sila sa mga magiging aktibidad ng nasabing transport sector.

Sakaling anyang kailanganin ng mga sasakyan ay nakahanda ang MMDA na magbigay ng libreng sakay sa publiko.


Kasabay naman ng pagbubukas ng klase ngayong araw sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa – nagdagdag sila ng mga personnel para umalalay sa daloy ng trapiko at maging sa mga estudyante.

Samantala – sinabi din ng opisyal na nagpapatuloy ang isinasawa nilang clearing operation sa mga illegal parking at sidewalk vendors para mapaluwag ang pangunahing lansangan sa Metro Manila.
DZXL558

Facebook Comments