MMDA, nakiisa sa DOH sa kampanya kontra dengue

Nakiisa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa panawagan ng Department of Health (DOH) na paigtingin ang kampanya kontra dengue lalo na ngayong tag-ulan.

Paalala ng MMDA na ugaliin ang tamang pagtatapon ng basura sa tamang lagayan dahil ito ay nagsisilbing “breeding ground” ng lamok na may dalang Dengue.

Gawin ang 4S habit kontra dengue. Proteksyunan ang sarili at linising maigi ang mga lugar na maaring pamugaran ng mga lamok.


Paalala ng MMDA ang kalinisan sa sarili at kapaligiran pa rin ang mabisang paraan para sugpuin ang sakit na dengue.

Facebook Comments