
Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pakikipagpulong sa ilang private institution at sa ilang ahensya ng pamahalaan para sa pagtatayo ng ‘rain catchment basin.’
Sa harap ito ng matinding pagbasa sa metro manila sa tuwing malakas ang ulan.
Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, nakipagpulong na sila sa University of Santo Tomas (UST) para sa paglalagay ng ‘rain catchment basin’ sa walong libong ektaryang bahagi ng compound ng unibersidad.
Tiniyak naman ni artes na popondohan nila ang naturang proyekto.
Maglalagay din ang MMDA ng rain catchment basin sa Camp Aguinaldo sa Quezon City at iba pang bahagi ng Metro Manila.
Facebook Comments









