MMDA, nakikiusap sa mga magkikilos-protesta na ayusin ang kanilang hanay

Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa mga magkikilos-protesta na ayusin ang kanilang mga hanay.

Ito ang pahayag ni MMDA Chairman Atty. Don Artes hinggil sa paghahanda ng ahensya para sa mga pagtitipon na inaasahang isasagawa ngayong araw ng biyernes kaugnay ng ika-80 kaarawan ni dating PRRD.

Ayon kay Artes, hindi sila tumututol sa mga nagkikilos-protesta kundi nakikiusap lamang sila na tiyakin na hindi ito makakaabala ng iba kabilang na rin ang magiging lagay ng traffic at pedestrian.


Binigyang diin pa ni Artes na hindi sila nag-re-restrict sa karapatan ng mga kababayan na magpahayag.

Sana lang aniya ay huwag itong makatapak sa karapatan din ng iba para sa kanilang malayang pagbiyahe na hindi sila nata-traffic at napeperwisyo.

Nabanggit din ni Artes na traffic management ang palaging tinututukan ng ahensya sa tuwing may mga pagkikilos-protesta.

Facebook Comments