MMDA, namahagi ng 100 body cameras sa kanilang mga tauhan bilang paghahanda sa pagpapatupad ng single ticketing system sa Mayo

Nagsagawa ng orientation ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Discipline Office o TDO sa ilang mga MMDA traffic enforcers ukol sa paggamit ng body cameras.

Bahagi ito ng familiarization sa technical specifications, features at parts ng gadget na gagamitin ng ilang mga traffic enforcer sa kanilang Traffic Management Operations (TMO) kung saan ang bawat camera ay tatagal hanggang 8 oras o isang shift ng isang personnel.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, ang mga recording mula sa mga body cameras ay naka-link sa bagong MMDA Command Center sa Pasig City na magagamit na ebidensiya kung sakaling magreklamo ang isang nahuling motorista.


Paliwanag pa ni Artes na nasa 100 body-worn cameras ang ipapamahagi sa mga traffic enforcer ng MMDA na nakatalaga sa apat na magkakaibang lugar sa Metro Manila.

Facebook Comments