MMDA, nananawagan sa mga tatakbong mga kandito sa 2025 midterm elections na iwasang mangampanya sa araw ng Undas

Nananawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga tatakbong mga kandito sa 2025 midterm elections na iwasang mangampanya sa araw ng Undas.

Ito nga ay inapela ni MMDA Chairman Don Artes kasabay ng kanilang pulong sa mga kinatawan ng 17 local government units (LGU) sa Metro Manila at ilang government agencies para sa pagsasapinal ng “Oplan Undas 2024”.

Aniya, dapat sumunod ang mga LGU sa mga regulasyon para sa maayos at mapaya ang sementeryo.


Una rito, paalala ng Manila City government na walang pribado o pulitikang grupo ang magsasagawa ng pangangampanya sa araw ng Undas.

Samantala, papayagan naman ang paglalagay ng mga tent ng mga pulitiko kung mamimigay ng pagkain at inumin sa gaganapin na Undas.

Facebook Comments