Sinagot ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga puntong inilatag ni Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza.
Ito’y kasunod ng ginawang privilege speech ni Daza hinggil sa paglilipat umano ng pondo ng Department of Information and Communications Technology o DICT sa MMDA at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, ligal at hindi ipinagbabawal ang pagsasalin ng pondo mula sa isang ahensya patungo sa iba.
Una rito, kinuwestyon ni Daza ang naging hakbang ng DICT nang hindi dumaraan sa pagsusuri ng Kongreso bilang bahagi ng kanilang fiscal management.
Pero sagot ni Artes, handa siyang sagutin “punto por punto” ang mga inilatag ni Daza sa kaniyang privilege speech sa tamang forum sakaling kailanganin.