MMDA, naniniwalang dahil sa public awareness kaya bumaba ang bilang ng mga nahuhuli sa ADDA

Manila, Philippines – Kumbinsido ang MMDA na ang malawakang kampanya nila ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga nahuhuli ngayon na lumalabag sa Anti-Distracted Driving Act.

Ayon sa MMDA, napansin nga nila na mula noong nakalipas na linggo ay bumababa na ang bilang ng mga lumalabag sa nasabing batas.

Sa kabila nito, tiniyak ng MMDA na patuloy ang kanilang mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act para matiyak na walang mangyayaring mga aksidente sa kalsada bunga ng paggamit ng gadgets habang nagmamaneho.


Magugunitang sa unang araw na implementasyon ng nasabing batas, isang daang mga motorista ang agad na nasampulan.

Facebook Comments