
Nilinaw ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na hindi awtomatikong exempted sa mga traffic violation ang mga emergency vehicle.
Sinabi ng MMDA na hindi lahat ng may blinkers at sirena ay exempted sa batas-trapiko at isa ito sa dahilan kung bakit hindi pwede ang automatic exemption.
Paliwanag ng MMDA na kinakailangang masiguro na lehitimong emergency vehicle ang sasakyan dahil maaaring may manamantala nito.
Ginamit na halimbawa ng MMDA ang isang pagkakataon kung saan nagkaroon na ng insidente ay na ang isang funeral vehicle ay nagpanggap na ambulance para makadaan sa EDSA busway na nahuli ito ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT).
Giit ng MMDA na kung walang emergency ay hindi dapat lumabag sa mga traffic rule ang mga emergency vehicle.









