MMDA, nilinis ang ilang kalsada sa Quezon City bilang paghahanda sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos

Sinuyod ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang kalsada sa Quezon City para linisin sa mga obstruction.

Ito’y bilang paghahanda sa unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kabilang sa mga inikutan ng MMDA ay ang IBP Sandigan, IBP Litex, Batasan-San Mateo Road, Doña Carmen, at PHILCOA.


May mga ilang tindahan din ang sinita sa kahabaan ng Batasan-San Mateo Road matapos okupahin ang side walks.

Ayon kay MMDA Commonwealth Special Traffic District Chief Ed Laguerta, paiigtingin nila ang clearing operations ng ahensya hanggang sa linggo bilang paghahanda sa SONA ni PBBM.

Sa ngayon, umabot na sa tatlo ang nahatak na mga sasakyan ng MMDA at 17 ang mga natiketan.

Facebook Comments