MMDA, pinabulaanan na may kasunduan ang Metro Manila mayors para sa ECQ extension

Pinabulaanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagkasundo ang Metro Manila mayors na palawigin pa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang August 30.

Partikular ang lumabas na balita na mismong si Paranaque City Mayor Edwin Olivarez daw ang nag-anunsyo ng ECQ extension

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, nakausap niya si Olivarez at pinabulaanan nito ang anunsyo.


Nilinaw ni Abalos na ano man ang maging rekomendasyon ng Metro Manila Council, ito ay ibabase sa desisyon ng mga eksperto mula sa pamahalaan.

Sa ngayon ay nakatutok ang Metro Manila mayors sa pag-monitor ng COVID cases sa kanilang nasasakupan, gayundin sa vaccination program at pamamahagi ng ayuda.

Facebook Comments