Planong ibalik ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme sa EDSA sa mga darating na araw.
Bunsod ito ng patuloy na pagdami ng mga sasakyang dumadaan sa EDSA na posibleng malagpasan na ang pre-pandemic volume na aabot sa 405,000 na dumadaang sasakyan kada araw.
Sa datos ng MMDA, nasa 397,000 na ang daily average na sasakyan ang bumabagtas sa kahabaan ng EDSA sa ngayon.
Irerekomenda naman ng MMDA sa Metro Manila mayors na itakda sa afternoon peak hours ang number coding na magtatagal mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.
Facebook Comments