Manila, Philippines – Nakatikim ng sermon kay Buhay PL Rep. Lito Atienza ang MMDA dahil sa hindi maayos na trabaho kaya binabaha ang maraming lugar sa Metro Manila tuwing malakas ang ulan.
Partikular na tinukoy ni Atienza ang mga tunnel sa Metro Manila gaya nalang sa Cubao na binaha at nagdulot ng matinding pagsikip sa daloy ng trapiko.
Paliwanag naman ng MMDA sa pamamagitan ni Quezon City Cong. Alfred Vargas, ang nag-sponsor ng budget ng MMDA, nasira ang pumping machine ng MMDA sa Cubao area dahil sa dami ng basura.
Pero giit ni Atienza, hindi sapat na katwiran ito dahil marami namang pwedeng gawin ang MMDA para mapigilan ito.
Mungkahi ng kongresista, maglagay ang MMDA ng tatlong pumping machines sa mga lugar na mayroong tunnel upang hindi na ito maulit lalo na kapag malalakas ang ulan.