MMDA, sinisilip na palawakin ang mga sidewalk sa EDSA para sa mga bisikleta

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na wala pang designated bike lane sa EDSA.

Ayon kay MMDA Spokesperson, Assistant Secretary Celine Pialago, hindi pa ipinapatupad ang long-term plan para sa mga bisikleta.

Ang mga cones na inilatag sa EDSA ay para lang sa dry-run ng ‘World Bicycle Day’ sa June 3, 2020 at hindi ito permanente.


Aminado rin si Pialago na hindi rin matitiyak ng mga cones at mga traffic constable ang kaligtasan ng mga nagbibisikleta, kaya mahalagang maipatupad ang long-term plan.

Suportado nila ang pagbibisikleta bilang ‘new normal’ pero kailangang matiyak ang kaligtasan ng mga bikers.

Sinabi ni Pialago na plano ng MMDA na palawakin ang mga sidewalk sa EDSA at magkaroon ng protected bike lane.

Facebook Comments