Manila, Philippines – Sinuspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding sa mga pangunahing lansangan sa kalakhang Maynila para sa Semana Santa.
Ibig sabihin ang mga motoristang mananatili sa Metro Manila ay malayang madadala ang kanilang mga sasakyan sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.
Sa interview ng RMN kay MMDA spokesperson Celine Pialago, otomatikong sinususpinde ang pagpapatupad ng number coding sa mga private at public vehicle para makabawas sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Samantala, ilang road projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nakaschedule na gawin bukas Abril 13 hanggang 16.
Sa abiso ng MMDA, sakop nito ang P. Burgos St., patawid ng Bonifacio Drive / Roxas Boulevard sa Maynila.
Ang Quezon City First Engineering Office ay magsasagawa sa kahabaan ng EDSA southbound, 2nd lane, pagitan ng Roosevelt Avenue hanggang Quezon Avenue.
Kahabaan ng Commonwealth Avenue Northbound, 4th lane, pagitan ng Litex Road hanggang Doña Carmen, Quirino Highway pagitan ng Mindanao Avenue hanggang Araceli St., 2nd lane, kahabaan ng Congressional Avenue Extension pagitan ng Luzon St., hanggang Tandang Sora Avenue, 3rd lane.
Apektado rin sa road project ang kahabaan ng EDSA (SB), 3rd lane, Harapan Citynet 1, EDSA (SB), 1st lane, harapan ng Transcom, EDSA (SB), 1st lane, Harapan Lux Center, Mandaluyong City, EDSA (SB), 1st lane, panulukan ng Shaw Service Road, Mandaluyong City.