MMDA Special Operations Group Task Force, sinimulan na ang apat na round ng clearing operation sa Southern Metro Manila

Inumpisahan muli ngayong araw, Agosto 14, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Special Operations Group-Task Force for Road Clearing (SOG-TFRC), Agosto 14.

Kung saan, mayroong apat na rounds ng road and sidewalk clearing operations ang inilunsad sa ilang mga kalsada sa Southern Part ng Metro Manila.

Kabilang na rito ang bahagi ng Paranaque at Pasay area partikular sa Sitio Malugay at Brgy. San Martin De Porres, gayundin ang clearing operation sa lungsod ng Makati at Manila area partikular sa Zobel Roxas, Onyx, Pedro Gil, Lamayan St. at Lacson Avenue.

Nagsagawa rin ng road clearing operation ang MMDA sa C5 Diego Silang sa lungsod naman ng Taguig na sinundan naman sa Quezon City sa bahagi ng Republic Avenue at Regalado Avenue.

Sinabi ng MMDA, maaaring i-report o makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan na sumasakop sa lugar na mayroong sagabal sa mga secondary at tertiary roads.

Facebook Comments