Nakatakdang suspindehin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng truck ban sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Ito’y sa oras na pairalin ang 2 linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula Agosto 6 hanggang 20.
Sa abiso ng MMDA, layon nito na matiyak ang tuluy-tuloy na galaw ng essential goods sa panahon ng implementasyon ng ECQ.
Kasabay nito, inanunsyo ng MMDA na mananatiling suspindido ngayong buwan ang Unified Vehicular Volume Reduction Program o ang number coding scheme.
Facebook Comments