MMDA, sususpindehin ang truck ban simula Agosto 6 hanggang 20 dahil sa ECQ

46

Nakatakdang suspindehin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng truck ban sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ito’y sa oras na pairalin ang 2 linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula Agosto 6 hanggang 20.


Sa abiso ng MMDA, layon nito na matiyak ang tuluy-tuloy na galaw ng essential goods sa panahon ng implementasyon ng ECQ.

Kasabay nito, inanunsyo ng MMDA na mananatiling suspindido ngayong buwan ang Unified Vehicular Volume Reduction Program o ang number coding scheme.

Facebook Comments