MMDA traffic aide, arestado sa robbery extortion

Arestado sa entrapment operation ang isang traffic aide ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa robbery extortion.

Kinilala ang naarestong MMDA traffic aide na si Rey Gaza, 53-anyos, at nakatalaga sa MMDA Northern Traffic Enforcement Division – Traffic Reaction Unit.

Si Gaza ay inireklamo ng may-ari ng isang trucking company na nag-o-operate sa North Harbor at sa Valenzuela City.


Ayon sa complainant na si Salvador Jecino, mula noong 2019 ay kumokolekta na sa kanya ng ₱10,000 na buwanang payola si Gaza at ang mga kasamahan nito.

Agad naman na nagkasa ng entrapment operation ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at ang MMDA Intelligence and Investigation Office kung saan nakuha sa kanya ang ₱5,000 marked money.

Facebook Comments