Umapela ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Sa Department of Health (DOH) na ibaba na sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) pagkatapos ng isang linggo.
Matatandaang pinalawig ang Alert Level 3 sa Metro Manila hanggang sa November 14.
Ayon kay MMDA Chairman Benjur Abalos, posibleng sa loob ng isang linggo ay nasa 7% na lamang ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR na requirement bago ibaba sa Alert Level 2 ang rehiyon.
Sa ngayon, nasa 7.4% ang ADAR o bilang ng bagong tinatamaan ng COVID-19 sa loob ng dalawang linggo sa NCR.
Sa ilalim ng Alert Level 2, papayagan nang mag-operate ang iba pang business establishement sa 50% indoor capacity at 70% para sa outdoor.
Samantala, pumayag na ang mga mall operator na palawigin ang kanilang operating hours sa harap na rin ng inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko ngayong Christmas season.