Hindi pa nag-uumpisa sa panghuhuli ng mga unconsolidated jeepney ang Metro Manila Development Authority (MMDA).
Itoy sa kabila ng anunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sisimulan nang hulihin ang mga passenger jeepney na itinuturing nang colorum.
Ayon kay MMDA acting Chairman Romando Artes, wala pa silang natatanggap na guidelines ukol dito hanggang sa ngayon.
Paliwanag pa ni Artes na sa darating na Hunyo 20, magpapatawag ng pulong ang MMDA kasama ang transport sector at Philippine National Police (PNP) para talakayin na ito.
Kasama ring pag-uusapan sa gagawing pulong ang isinasagawang kilos-protesta ng mga transport group na nakaapekto sa daloy ng trapiko.
Facebook Comments