MMFF 2020, suportado ni Pangulong Duterte

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagsuporta sa 2020 Metro Manila Film Festival (MMFF) kasabay ng paglulunsad nito online ngayong taon dahil pa rin sa banta ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na sa kabila ng mga hamon ay magsisilbing pag-asa ang MMFF para sa Pelikulang Pilipino.

Kinikilala ng Pangulo ang MMFF bilang bahagi ng taunang tradisyon ng Pamilyang Pilipino tuwing Kapaskuhan.


Ngayon taon, ang mga pelikula ay ipapalabas online upang mapanood ito ng mga pamilya ng ligtas sa kanilang mga tahanan.

Dagdag pa ng Pangulo, itinatampok ng MMFF ang galing ng mga Pilipino sa paggawa ng pelikula.

Ang MMFF ay nakipag-partner sa Globe para i-stream ang festival movies online sa December 25 sa pamamagitan ng UPSTREAM.PH.

Nasa 10 pelikula ang kasama sa line-up ngayong taon.

Nagkakahalaga ng 250 pesos ang presyo ng ticket kada pelikula.

Maaari nang magbook ng tickets simula ngayong araw sa Pilipinas habang December 18 naman sa mga nasa ibang bansa.

Facebook Comments