MMFF | Coco Martin, gagawa ng pelikula kasama si Bossing Vic Sotto

68

Manila, Philippines – Masayang inanunisyo ng aktor na si Coco Martin na magsasama sila ni Bossing Vic Sotto sa isang pelikula na ipapalabas sa metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Ayon kay Coco, hindi niya akalain na makakasama niya si Bossing Vic sa pelikula lalo na at matagal na niyang pangarap na makasama ito sa isang proyekto.

Aminado din si Coco na idol niya ang comedy trio na Tito, Vic, and Joey kaya at excited na siya sa kanilang gagawing pelikula at itinuturing niyang isang karangalan na makatrabaho si Bossing.

Nilinaw naman ang aktor na hindi na dapat gawing isyu ang magiging tapatan ng kanyang MMFF entry sa gagawing pelikula para sa kaparehong film festival ni Vice Ganda dahil pangunahing layunin ng MMFF ang magpasaya ng publiko.

Sa huli sinabi pa ni Coco na para sa kanya, hindi labanan ang MMFF kundi isang tulungan upang mapasaya ang pasko ng bawat Pilipino.

Facebook Comments