Manila, Philippines – Tiwala ang Metro Manila Film Festival (MMFF) committee na papalo ng isang bilyong piso ang kita sa takilya ng walong entry ng MMFF 2017.
Sabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Tim Orbos, kampante siyang maabot ng film festival ang P1 billion gross.
Umaasa din MMFF Executive Committee Marichu Maceda, na mapapantayan o malalagpasan ng MMFF 2017 ang huling highest box office gross ng film festival noong 2015 na P1.58 bilyon.
Sa ngayon, napagkasunduan ng film fest committee na huwag ilabas ang box office receipts at ranking ng mga pelikula.
Pero ayon sa chika nangunguna sa takilya ang “Gandarrapiddo! The revenger squad” nina Vice Ganda, Pia Wurtzbach at Daniel Padilla.
Facebook Comments