Manila, Philippines – Ipinaliwanag ni National Artist for Literature Bienvenido Lumbera ang dahilan kung paano napili ang unang apat na pelikulang pasok sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF).
Si Lumbera ang tumatayong chairperson ng 12-member selection committee.
Aniya, mula sa 24 na isinumiteng kwento, napili ang horror-thriller film na “Aurora” ni Anne Curtis at ang love story na “Girl in the orange dress” nina Kim Chiu, Jessy Mendiola, Jericho Rosales at Sam Milby dahil sa magandang pagkakasulat ng script.
Habang dalawa ang napili dahil naman sa potensyal na maraming manonood nito kabilang ang action-comedy film na “Popoy En Jack: The Puliscredibles” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Vic Sotto at ang fantasy-comedy film na “Fantastica: The Princess, The Prince and The Perya” ni Vice Ganda.
Pinagbasehang criteria nito ang:
– 40% artistic excellence
– 40% commercial appeal
– 10% Filipino cultural sensitivity
– 10% global appeal
Ang apat pang makakasama sa MMFF ay pipiliin naman mula sa mga tapos nang mga pelikula.