Manila, Philippines – Handang-handa na ang mga bonggang karosa ng walong pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa Grand Paradesa sa Sabado na gaganapin sa lungsod ng Muntinlupa.
Kaniya-kanyang paandar ang aabangan ng mga fans tulad ng mala-transformer na karosa ng Gandarapido: The Revengers Squad na inspired ng makulay na costume ng bidang si Vice Ganda.
Lumalaban din ang nakakatakot na karosa ng ‘Haunted Forest’ na pinagbibidahan nina Jane Oineza, Jameson Blake, Maris Racal, Jon Lucas
Inumpisahan na rin sa Cubao ang disensyo ng pulang karosa ng ‘All Of You’ na inspired ng pagkikita nina Derek Ramsay at Jenelyn Mercado sa China.
Sweetness overload naman ang tema ng karosa ng ‘Meant To Beh’ na habang 40’s naman ang drama nina Paulo Avelino, Rachel Alejandro at iba pang mga bitwin sa ‘Ang Larawan’.
Nakakalunod na mga alon din ang makikita sa karosa ng ‘Siargao’ habang kabaong naman ang bida sa float ng ‘Deadma Walking.’
Kaabang-abang din ang pasabog ng ang Panday na mamimigay raw ng mga libreng espada sa mga bata.
Mag-uuwi ng 200,000 pesos ang tatanghaling best float sa parade.